Tatay na si Diego Loyzaga. Tanong ng mga netizen, sino ang ina ng bata?
Arkipelago News June 8, 2023 at 05:56 PM EntertainmentMasayang ibinahagi ni Diego Loyzaga ang picture nila ng kanyang bagong silang na anak sa Instagram ngayong araw, June 8. Tila nasorpresa naman ang lahat na makita siyang may kargang baby.
“The best birthday gift ever,” ayon sa aktor. Nagdiwang siya ng kanyang kaarawan noong May 21.
Wala nang ibinigay na iba pang impormasyon si Diego kaya marami ang nagtatanong at isang palaisipan kung sino ang ina ng bata.
Binati naman si Diego ng congratulations ng mga celebrity friends niya. Mukhang masaya rin ang kanyang mommy na si Teresa Loyzaga na nagkomento sa post ng kanyang anak.
“Yahooooo!! Glam-Ma Lola in the house!!! Mwah! Love u anak @diegoloyzaga! Love you my “Pochola”!”
Tahimik si Diego tungkol sa kanyang lovelife matapos silang magbreak ng kanyang girlfriend na si Barbie Imperial. Hindi rin siya nagkokomento sa balitang may relasyon sila ng aktres at model na si Franki Russel.
Photo: Diego Loyzaga IG