Taylor Swift era
Kate Papina March 18, 2023 at 08:10 PM Entertainment
Opisyal na inanunsyo ni Taylor Swift sa kaniyang IG account noong March 16, ang paglabas ng apat na “unreleased song” niya bago magsimula ang kaniyang record-breaking na ‘The Eras Tour.’
“In celebration of The Eras Tour I’m releasing 4 previously unreleased song tonight at midnight,” pahayag niya.
Tinupad naman ito ng pop star at inilabas ang mga kanta niya noong March 17, 2023 sa kaniyang youtube account.
Kabilang sa mga kantang inilabas niya ang “Eyes Open,” “Safe & Sound,” at “If This Was a Movie” na re-recorded o panibagong bersyon ng nauna niyang kanta. Nirelease din niya ang “All of the Girls You Loved Before” na kasama sa album na Lover (2019) ngunit hindi niya pa naieere sa hindi malamang dahilan.

“She sounds sooooooo good, I like how you can hear her voice better over the instruments in this version rather than in the original,” komento ng isang netizen.
“Her voice aged like fine wine and this song sounds even better than before??????,” ayon sa isa pang netizen.
“ABSOLUTELY STUNNING! Captured the Original perfectly and also shows how much Taylor’s Voice Matured. Our Queen. Just hearing her mature voice singing this just gives me chills and I just want to cry,” pahayag ng isa pang tagahanga.
Nagtrending agad ang singer sa loob ng dalawang araw, sa katunayan nangunguna pa rin ang #Taylor sa Twitter at ilang social media sites.
Magsisimula ang “The Eras Tour” sa March 18 sa Glendale, Arizona.
Welcome back, Queen Taylor!
Photo: Taylor Swift IG