| Contact Us

Tito Sotto, nagsalita na tungkol sa kontrobersya sa pagitan ng Eat Bulaga at TAPE Inc. May utang daw ang TAPE kina Vic at Joey

April 27, 2023 at 06:16 PM Entertainment

Sa panayam ng TV5 kay dating Senate President Tito Sotto, tahasan niyang sinabi na walang katotohanan at hindi tumpak ang mga sinabi ni Mayor Bullet Jalosjos ng Dapitan, Zamboanga del Norte, sa kanyang interview kamakailan. Si Jalosjos ang kasalukuyang Chief Finance Officer ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE), ang producer ng Eat Bulaga.

Giit ni Sotto o mas kilala sa tawag na Tito Sen, may utang ang TAPE kina Vic Sotto at Joey de Leon na humigit-kumulang tig-30 million pesos para sa taong 2022.

Nilinaw rin niya na ang copyright at ang tunay na nagmamay-ari ng Eat Bulaga ay ang TVJ (Tito, Vic and Joey) at si Tony Tuviera.

“Ang TAPE producer, hindi sila Eat Bulaga. Ang Eat Bulaga iba. Bakit kamo? Why am I saying this, In 1979 we started Eat Bulaga, Joey invented the name. Vic and I agreed, Tony Tuviera agreed yun ang ginawa namin na it was produced by Production Specialist Incorporated,” ani Sotto.

“Ang TAPE pumasok lang nung 1981, iba yun, sila ang producer iba ang Eat Bulaga,” dagdag pa niya.

Nagpahiwatig din ang dating senador na may posibilidad na magkaroon ng bagong producer ang kanilang show.

“Everything was doing fine kasi payag na sila sa mga gusto namin na masunod, pati sa production, eh biglang all of a sudden isang member ng board kung ano-anong sasabihin sa media eh ba’t hindi kami magsasalita ngayon, so there is a distinct possibility kung di kami magkakasundo… or they will ika nga aatras sila sa mga napag-usapan namin,” ayon kay Sotto.

Tila laban o bawi rin daw ang drama ng TAPE pagdating sa mga empleyado ng Eat Bulaga. Kaya nanawagan si Tito Sen na tumupad sana ang TAPE sa kanilang napagkasunduan.

“‘Yung mga production staff pati yung mga empleyado sinasabi nila that they were offered to retire everyone was offered to retire may pinapirmahan sa kanila para daw to lower the cause pagkatapos e biglang binawi… binawi yung mga pinapirmahan,” paglalahad pa niya.

“The team the staff were okay wala kaming problema kasi di naman namin sila nakikita talaga nakikita lang namin lately pag may meeting eh wala kaming masamang tinapay ika nga… We have been faithful to our agreements, yung ang gusto namin sana na naging faithful din ang TAPE sa aming mga agreements,” dagdag pa ni Sotto.

Photo: Tito Sotto Instagram

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 Last