| Contact Us

Tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Egay sa sektor ng agrikultura tiniyak ng Malacañang

Reggie Vizmanos July 30, 2023 at 03:48 PM

Tiniyak ng Malacañang ang sapat na suporta ng pamahalaan sa mga bayan, lalawigan at mga magsasaka na lubhang nasalanta ang pananim dahil sa hagupit ng Bagyong Egay.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang Department of Agriculture (DA), na kaniya ring pinamumunuan bilang concurrent secretary, ang mangunguna sa pamamahagi ng suporta sa mga nasalanta laluna ang mga magagamit nilang binhi ng pananim na palay at iba pa.

Nitong Sabado ay pinangunahan ng pangulo ang pakikipagtalakayan sa mga gobernador ng Region 1, Region 2 at Cordillera Administratyive Region upang alamin ang lawak ng tinamong pinsala ng naturang mga lugar mula sa bagyo.

Dinaluhan din ng pangulo ang situation briefings na isinagawa sa Bangued, Abra, Laoag City sa Ilocos Norte, at sa Tuguegarao, Cagayan kung saan ay natanggap niya ang inisyal na ulat na umabot na sa Php1.243 bilyon ang halaga ng mga pinsalang idinulot ng Bagyong Egay sa tatlong rehiyon.

Photo: Presidential Communications Office (PCO).

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 56 Last