Vaccination schedule sa Caloocan
Mike Manalaysay April 2, 2021 at 08:01 AM
Naglabas ng vaccination schedule ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan para sa mga nasa A3 category sa Sabado, April 3.
Sa isang post sa opisyal na Facebook page ni Mayor Oca Malapitan, nilinaw ng LGU ang ilang mahahalagang bagay.
Kasama sa A3 category ang mga sumusunod:
- Mga edad 18-59 years old;
- May comorbidities-
- Chronic Respiratory Disease
- Hypertension
- Cardiovascular Disease
- Chronic Kidney Disease
- Cerebrovascular Accident
- Malignancy
- Diabetes
- Obesity
- Neurologic Disease
- Chronic Liver Disease
- Tuberculosis
- Chronic Respiratory Tract Infection
- Immunodeficiency State
- OTHERS (upon doctor’s consultation and recommendation)
Ipinapaalam din ng lokal na gobyerno kung ano ang mga dapat dalhin at gawin:
- Sariling ballpen
- PhilHealth ID (kung mayroon)
- Magdala ng proof of comorbidity tulad ng medical certificate mula sa iyong doktor na inissue sa loob ng nakalipas na 18 buwan; medicine prescription sa nakalipas na anim na buwan; hospital records tulad ng discharge summary at medical abstract o; surgical records at pathology reports.
- Magsuot ng facemask at face shield
Ilang bagay pa ang nilinaw ng city hall tulad ng mga sumusunod:
- Patuloy na tatanggap ng walk-in ang mga vaccination sites depende sa availability ng slots. Bibigyang prayoridad ang mga sumailalim sa profiling via online o sa mga health centers.
- Para sa online profiling, maaaring bisitahin ang link na ito: bit.ly/profilingcalv2
- Nagtalaga ng fast lane ang Lungsod ng Caloocan para sa mga nasa kategoryang A1 o mga ACTIVE medical at healthcare workers sa isinasagawang mass vaccination. Upang mabigyang prayoridad, maaaring magtungo sa anumang vaccination site at magbigay ng ID para sa beripikasyon.
Mababasa ang kabuuan ng kanilang post sa link na ito:
https://www.facebook.com/MayorOscarocaMalapitan/posts/1886625181506427