Vice Ganda sa Konsyerto sa Palasyo: “Malaking tulong ito”
Cristine Arogante December 17, 2024 at 03:47 PM Entertainment
“Nako, marami po… Na-appreicate namin ito, malaking tulong ito.”
Ito ang naging sagot ni Vice Ganda nang tanungin kung ano pa ang maaaring gawin ng gobyerno upang makatulong sa pagpapayaman ng Pelikulang Pilipino.
Bagamat hindi naipaliwanag ni Vice Ganda ang lahat ng posibleng suporta mula sa gobyerno, binigyang-diin niyang malaking bagay ang naging “Konsyerto sa Palasyo (KSP): Para sa Pelikulang Pilipino,” na naganap noong Disyembre 15 sa Malacañang.

“Lalo na’t naghihingalo ang Pelikulang Pilipino, anoman tulong ay ma-appreciate natin lahat,” dagdag pa niya.
Si Vice Ganda ay kilala sa mga pelikulang kasama sa listahan ng “highest grossing” sa kasaysayan ng Pelikulang Pilipino, kabilang na ang “Fantastica” noong 2018. Inaabangan ngayong taon ang kanyang pelikulang “And The Breadwinner Is…” na kalahok din sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
📷 Philippine News Agency FB
Stay informed with the current news and entertainment stories. Visit arkipelagonews.com and follow Arkipelago News on Facebook and Instagram.