Vp Leni inamin na nagkamali sila sa hindi paglaban sa fake news
Mike Manalaysay October 1, 2022 at 07:53 PM
“We’ve committed a lot of mistakes. As far as fighting fake news is concern. Ako by nature chill akong tao, I don’t get easily ruffled. Lugi nga sa akin yung trolls eh. Lugi sa akin yung trolls kasi hindi ko sila pinapansin. Pero yun din yung aking pitfall. Dahil hindi ako napipikon, hindi ko sila pinapansin, hindi kami nakapag-aksyon nang maayos.”
Ito ang pahayag ni dating Vice President Leni Robredo tungkol sa mga maling impormasyon laban sa kanya na hindi niya sinagot.
Sinabi niya ito sa isang okasyon noong September 29 sa Lungsod ng Makati. Panauhing pandangal ang dating pangalawang pangulo sa book launching ng “From the Heart, How I Became a Social Media Influencer at Age 65” ni Vicente “Enteng” Romano III, isa sa kanyang mga supporter.
Sa kaniyang pahayag, nakiusap si VP Leni na sana raw ay ituring na laban ng lahat ang pakikipagtunggali para sa katotohanan.
“Pero siguro yung pakiusap ko lang na, let us consider this as our fight. Wala na tayong kandidatong ipinapakipaglaban, talagang bayan na ang ipapakipaglaban natin. Pero sana kasama pa rin namin kayo dahil hindi natin pwedeng pabayaan.”
Ayon pa kay Robredo, isang malaking pagkakamali ang hindi niya pagpansin sa mga ipinapakalat na fake news tungkol sa kanya noon.
“When the old fake news was being thrown at me, ang initial kong stance was do not dignify, hayaan mo sila, mapapagod sila. Pero mali pala yun. Mali pala yun, kasi syempre yung kasinungalingan repeated over and over again, nagiging totoo. And that is what happened sa ating lahat. Not just as far as I was concerned pero with a lot of incorrect stories that were being thrown around. So ngayon maghahabol tayo, maghahabol tayo pero hindi tayo pwedeng magpabaya,” paliwanag pa niya.
Marami raw ang bumibisita ngayon sa kanyang tanggapan at ang iba sa kanila ay dumarating na umiiyak.
“Pinapagalitan ko yung umiiyak, sinasabi ko bawal dito yung umiiyak. Kasi ngayon ano happy na tayo pero kailangan tayong lumaban. So sa akin siguro, si Enteng (Vicente Romano III) yung inspirasyon natin na hindi niya hinayaan yung failures natin during the election, naghanap kaagad ng patutunguhan ng kaniyang energies. So I hope you all get inspired by the examples shown to us by Enteng,” ani Robredo.
