VP Sara nilinaw na hindi siya ang dahilan kung bakit isinara ang isang bahagi ng Commonwealth Avenue
Mike Manalaysay October 5, 2023 at 09:12 PMNaglabas ng pahayag ang Office of the Vice President ngayong hapon para linawin na hindi sangkot si VP Sara Duterte sa traffic disruption bunsod ng pagsasara ng Quezon City Police District ng isang bahagi ng Commonwealth Avenue.
“The Vice President did not ask QCPD and will never ask government agencies, including law enforcement bodies, to carry out actions that would inconvenience the public or cause them harm,” ayon sa pahayag ng OVP.
Kasalukuyan daw na nasa Mindanao si Duterte para sa World Teacher’s Day at iba pang aktibidad.
Pinasinungalingan din ng OVP ang kumakalat na video na nagsasabing ipinatigil ang daloy ng trapiko dahil dadaan siya sa Commonwealth Avenue.
“The viral video is spreading injurious information that is purely grounded in falsity,” ayon sa pahayag ng OVP.
Sumulat din si Duterte sa Quezon City Police District (QCPD) at humiling na imbestigahan at papanagutin ang mga responsable sa nangyari kasama na ang taong kumuha ng video.
Mapapanood sa video na tinatanong ang isang pulis kung bakit ipinasara ang isang bahagi ng Commonwealth Avenue na nagdulot ng pagbabara ng trapiko. Sumagot ang pulis na dadaan umano si VP. Nang muli siyang tanungin, kinumpirma niyang si Sara Duterte ang kanyang tinutukoy.
Inday Sara Duterte FB