Wag matakot busisiin ang 125M CIF ng OVP – De Lima
Paulo Gaborni September 27, 2023 at 05:28 PMNagbigay ng pahayag ang dating Senador na si Leila de Lima hinggil sa P125 million na Confidential and Intelligence Funds (CIF) na ginastos ng Office of the Vice President sa loob ng labing-isang araw.
Sa kanyang Twitter post, sinabi ni De Lima na huwag sanang matakot ang Kongreso na imbestigahan ang nasabing halaga ng CIF ng OVP.
“Huwag sanang matakot ang kongreso sa patuloy nitong pagbusisi sa confi/intel funds ng OVP.” aniya.
Bukod dito, sinabi ng dating senador na isang “red flag” ang paggastos ng pondo sa loob lamang ng labing-isang araw pati na ang paglipat ng pondo mula sa Office of the President patungo sa Office of the Vice President.
“Spending 125M in just 11 days is a glaring red flag, not to mention the questionable constitutionality of the fund transfer from the OP to OVP,” ayon kay De Lima.
“I just hope there are more voices in both Senate & House to articulate on this very important issue in the name of truth, transparency & accountability. May they breathe life into the const’l principle of checks-&-balance,” dagdag pa niya.
Inaasahan ang plenary debate tungkol sa proposed budget ng OVP para sa 2024 ngayong araw, September 27.
Nakatakda sana noong Martes ang debate pero hindi ito natuloy dahil sa “conflict of schedule” ng OVP.
Photo: Leila De Lima FB