What’s Up Madlang Kapuso!
Kassandra Mariano July 2, 2023 at 10:37 AM EntertainmentGna G ang unkabogable opening performance ng It’s Showtime sa bonggang production number ni Vice Ganda sakay ang helicopter mula ABS papuntang GMA Network.
Game na game namang kinanta ng mga GMA employee ang theme song ng programa na ayon sa source ay hindi umano ito kasama sa script kaya laking tuwa ni Vice nang sumabay sa pagkanta ang mga madlang kapuso.
Naging highlight din ang kauna-unahang pagkakataon na pagsasanib ng mga bigating stars mula sa dalawang pangunahing network sa isang noontime show kaya’t number one trending sa twitter ang #GnaGsaShowtime.
Ikinatuwa naman ng fans ng ABS- CBN artists na sina new-gen phenomenal artist Belle Mariano, Dance Princess Kim Chu at Alexa Ilacad ang pagkakaroon nila ng dance number kasama si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza. Biro pa nga ni Vice ay bagay umano ang vibe ng Mara Clara star sa It’s Showtime na agad ding sinagot ng aktres na, “G na G po ako!”
Hindi rin nagpahuli ang showtime hosts na sina Vhong at Jhong nang makipaghatawan sa dance floor kasama ang kapuso heartthrob na sina Rayver at Rodjun Cruz.
Nitong June 30 ay opisyal na pinasalamatan ng It’s Showtime host si MVP sa pagbibigay ng oportunidad at kanilang naging tahanan kahit hindi anila masyadong matagal.
Matatandaang muling umere sa TV5 ang It’s Showtime nang magsara ang prangkisa ng ABS-CBN ngunit agaran ding natapos ang pagkupkop sa noontime show ng singko kasabay ng pag-ere rito ng TVJ dahilan upang buksan ng GTV ng GMA Network ang pintuan sa madlang people. Present sa contract signing ng host sa GTV ang GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon na nagbitaw ng makasaysayang pahayag na tapos na ang network war.
Mapapanood na sa GTV simula July 1 ang It’s Showtime kasabay ng Eat Bulaga na patuloy na umeere sa GMA Network.
Photo: Screengrab from It’s Showtime