Angelica Panganiban, may nakakaantig na mensahe sa kanyang bagong silang na baby
Kate Papina October 23, 2022 at 05:44 PM Entertainment‘MARAMING SALAMAT AT GINAWA MO AKONG ISANG INA, ANAK’
Ito ang emosyonal na mensahe ng first-time mom na si Angelica Panganiban sa kaniyang anak na si Amila Sabine.
Ipinahayag niya ang kaniyang saloobin para sa kanyang anak kalakip ang larawan nilang mag-ina sa isang Instagram post.
“Pangakong ibibigay ko sa yo lahat ng mga hindi ko naramdaman at naipagdamot sa akin sa mundong ito, at hihigitan ko pa sa kung saang mga bagay na pinalad ako,” ani Angelica.
Dagdag pa niya, hindi lang siya basta nanay kundi magiging isa sa pinaka matalik na kaibigan ng kaniyang anak na handang makinig sa kanyang mga kwento at sumuporta sa pagbubuo ng mga pangarap ng bata.
“Handa akong ibigay ang lahat ng lakas ko, dahil napakaliit na bagay nito para sa pagbuo at pagkumpleto mo sa akin. Maraming salamat at ginawa mo akong isang ina, anak,” ayon pa sa aktres.
Photo: Angelica Panganiban Instagram