Baha sa Norzagaray dulot ng pagpapakawala ng tubig mula sa Angat at Ipo dam
Kate Papina January 11, 2023 at 04:34 PMPagpapakawala ng tubig mula sa Angat at Ipo Dam, nagdulot ng pagkalubog sa baha ng ilang bahay sa Norzagaray, Bulacan
Ayon sa PAGASA, tumaas at umapaw ang reservoir water level (RWL) sa dalawang dam dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan noong mga nakaraang araw. Dahil dito, napilitang magbawas at paalpasin ang sobrang tubig sa Angat at Ipo Dam, na matatagpuan sa Norzagaray, noong Sabado, January 7.
Umabot ang RWL ng Angat Dam sa 215.03 meters na itinuturing na above the spilling level na dahil ang normal high water level (NHWL) nito ay 212 meters lamang. Sa kabilang banda, ang RWL ng Ipo Dam naman ay umabot sa 101.04 meters at malapit na ito sa NHWL na 101.10 meters.
Sa ganap na 6:00 am noong January 7, binuksan ang tatlong gate ng Angat Dam sa 8.5 meters. Habang sa Ipo Dam naman, binuksan ang anim na gate sa 9.2 meters.
Ang pagpapakawala ng tubig sa mga dam ay nagresulta sa pagkalubog ng ilang bahay sa Norzagaray. Kaya naman nagkaroon ng mga rescue operation para ilikas ang ilang pamilya sa nasabing komunidad.
Source: PAGASA, Mayor Merlyn Germar