BLACKPINK nagdagdag ng tickets para sa kanilang concert bukas
Kate Papina March 24, 2023 at 03:59 PM EntertainmentThis is not a drill! Para sa mga hindi nakasecure ng ticket ng Blackpink, eto na ang pagkakataon. Matatandaan na noong inanunsyo ng LiveNation Ph na maari ng bumili ng tickets para sa concert ng Blackpink, marami ang naging problema at nagloko pa ang mismong website nito. Nagkaroon ng crash dahil sa daang libong tao na sabay-sabay na nagsign-up.
Kaya naman marami ang hindi nakabili ng tickets kahit na naghintay pa sila. Maging sa mga “over-the-counter” na pamilihan ng tickets, nagkaroon din ng aberya at hindi naging mabilis ang daloy dahil sa dami ng tao na gustong bumili.
Nagdagdag ng tickets ang YG Entertainment na management ng Blackpink para sa concert bukas ng KPOP number one female group.
Magbabalik Pilipinas sila sa March 25 at 26, 2023 para sa kanilang two-day concert na BLACKPINK WORLD TOUR “BORN PINK ASIA”.
Maaring bumili ng hanggang apat na ticket kada purchase sa website ng LiveNationPh at Viagogo.
Para sa mga may maliit na budget, mayroon pang mga available tickets na nagsisimula sa P7,200. Sa mga nakakaluwag naman, maari nang mapanood ang Blackpink nang malapitan sa pamamagitan ng VIP Soundstage Access “soundcheck” ticket sa halagang 76,500.
Tumaas ang presyo ng ticket na ito dahil tatlo na lamang ang natitira.
“Ibebenta ko na talaga kidney ko makanood lang ng Blackpink,” komento ng isang netizen.
“The price is so KALOKA IMNIDA,” aniya isang netizen.
“Siguro ayos lang ‘di muna mag enroll sa isang sem para makita ko sila Lisa at Jennie,” biro ng isang netizen.
Tinaguriang comeback concert ng Blackpink ang gaganaping world tour na ito matapos nilang magpahinga nang irelease ang comeback album nila kung saan sumikat ang kantang “Shut Down.” Naging maingay agad sa social media, ang single na ito, at sa katunayan nakapasok ito sa Hot 100 at Global 200 Billboard charts sa loob ng tatlong magkakasunod na linggo matapos itong ilabas. Sa ngayon, lumagpas na ito sa 100 million streams sa audio-streaming platform na Spotify.
Bilang pagbabalik ng maimpluwensyang grupo, naisipan ng YG entertainment na isagawa ang pinakamalaking Asia tour sa kasaysayang ng female K-pop group, at ito nga ang “Born Pink Asia” ng Blackpink.
Ito na ang pangalawang beses na magcoconcert ang Blackpink sa Pilipinas matapos ang “In Your Area World Tour” noong 2018.