| Contact Us

Dagdag sahod sa mga titser inaaral ng gobyerno

Reggie Vizmanos August 15, 2023 at 02:40 PM

Kasalukuyan nang inaaral ng pamahalaan ang pagbibigay ng long-term o pangmahabaang dagdag-sahod sa mga pampublikong titser bukod pa sa kasalukuyan na nilang tinatanggap na umento sa sahod kada taon sa ilalim ng Salary Standardization Law.

Ito ang inihayag ni Vice President at Department of Education (Deped) Secretary Sara Duterte kasabay ng ulat niya na inatasan siya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na magsagawa ng malalimang pag-aaral para sa nasabing wage increase.

“Yes, oo. Mayroon tayong increases sa Salary Standardization Law, in tranches ‘yun every year,” ayon kay VP Duterte.

Pero nais aniya ng pangulo na pag-aralan ang ‘long-term outlook on how to provide salary increases for teachers aside from what they annually receive under the Salary Standardization Law.’

“So, we are waiting for the result of that study na nandoon ‘yung increases and then nandoon din ‘yung pagkumpara niya sa inflation at sa mga economic indicators, forecast ng economic indicators sa mga darating na taon,” sabi ni VP Duterte.

Nakapaloob aniya sa naturang study ang salary increase para sa teaching personnel at pati sa non-teaching personnel ng Deped.

Sina Pangulong Marcos at VP Duterte ay nakiisa sa “Brigada Eskwela” activities na isinagawa sa Victorino Mapa High School sa Barangay San Miguel, Lungsod ng Maynila kung saan ay nagbigay din ang pangulo ng donasyong isang milyong piso para pandagdag na panggastos sa pagpipintura at paglilinis sa naturang paaralan.

Photo: PCO

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 56 Last