Dominique Cojuangco, ikinasal na sa kaniyang fiance na si Michael Hearn
Kate Papina March 6, 2023 at 10:12 PM EntertainmentNakipag-isang dibdib na ang nag-iisang anak nina Gretchen Barretto at Tony Boy Cojuangco na si Dominique Cojuangco sa businessman na si Michael Hern.
Naganap ang kasal noong Sabado, March 4, sa San Agustin Church. Idinaos naman ang kanilang reception sa National Museum of Natural History sa Lungsod ng Maynila.
Kasama sa mga dumalo sa kasal sina Ria Atayde, Sofia Andres, at mga kilalang personalidad.
Sa panayam ng Metro Weddings noong nakaraang taon, ikinuwento ni Dominique na nakilala niya si Hearn habang nag-aaral siya sa British School Manila pero wala pa raw siyang naramdamang spark noong una. Hanggang noong 2018, nagtagpo ang dalawa sa isang bar at doon daw nag-iba ang pagtingin niya kay Hearn.
“It was at that moment that we looked at each other differently and we were shocked to have the same experience,” kuwento ni Dominique.
Sabi naman ni Michael “It was only on another night when she was at Run Rabbit Run that she came to say goodbye and we ended up meeting in each other’s gaze. In that moment, everything cleared and changed, and I saw her.”
Simula raw noon, mas nakilala nila ang isa’t isa at naging magkasintahan sila sa loob ng ilang taon. Noong October 2021, nagpropose na si Hearn kay Dominique at na-engage ang dalawa.
Congratulations, lovebirds!
Photo: Rica Plaza IG