Ex-Pres. Duterte umatras sa dating bintang kay BBM na drug addict
Reggie Vizmanos March 1, 2024 at 03:03 PM“Si Bongbong Marcos bangag noon. Ngayong presidente na, bangag ang ating presidente. Kayong mga military alam ninyo ‘yan, lalo na ‘yong mga nasa Malacañang, alam ninyo. The Armed Forces of the Philippines, alam ninyo. May drug addict tayo na presidente!”
Ito ang matapang na pananalita ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang speech sa tinaguriang “One Nation, One Opposition” prayer rally sa Davao City noong nagdaang Enero 28.
Ang naturang prayer rally ay bilang pahayag umano ng pagtutol nina Duterte at iba pa sa People’s Initiative (PI) signature campaign para sa Charter change.
“Noong ako po ay mayor, pinakitaan ako ng evidence ng PDEA. Doon sa listahan, nandoon pangalan mo,” sabi pa ni Duterte patungkol kay Marcos.
Hinamon pa ni Duterte si Marcos na magpa-drug test kung talaga aniyang hindi ito gumagamit ng iligal na droga.
Binalewala naman ni Marcos ang mga bintang at patutsada ni Duterte dahil posible aniya na epekto lang ito ng gamot na Fentanyl na iniinom ng dating pangulo.
“I think it’s the fentanyl… It is highly addictive and it has very serious side effects. And PRRD [President Rodrigo D. Duterte] has been taking the drug for a very long time now. When was the last time he told us that he was taking fentanyl? Something like that. After five, six years it has to affect him,” sabi ni Marcos.
Pero bigla ring binawi ni Duterte ang kanyang matapang na pahayag tungkol dito.
“Wala ako sinabi na ganon… Even if you kill me a thousand times, wala akong sinabi na ganon. Make it ‘taking a drug.’ Pero kung sabihin mong addict, wala akong sinabi na ganon. Patayin ako ni Marcos niyan. Maawa ka naman sa akin, matanda na ako,” sabi ni Duterte sa kaniyang press conference nitong nagdaang Martes.
Dagdag pa niya, “If I can say it to Marcos, I can say it for all. Antibiotic, aspirin—they’re all drugs… Pero wala ako sinabi… Papatayin ako ni Marcos niyan. Takot pa naman ako mamatay, matanda na ako.”
Umatras din si Duterte sa pahayag niya noon na pagsusulong ng paghiwalay ng Mindanao sa Republika ng Pilipinas.
“I would repeat it now and forever: I do not want my country dismembered. I do not want a part of my country taken away. I do not want my country to be disturbed physically even the slightest. It goes for Luzon hanggang Jolo,” sabi ni Duterte.
Dagdag pa ng dating pangulo, “If it causes rupture to our entire system sa Republika, I will not go for it. Meaning, I will not go for a false carving out in Mindanao out of the Philippines.”
📷: Rody Duterte FB