| Contact Us

Home Mutual Development Fund naglunsad ng Asenso Rider Raffle Promo

Mon Lazaro August 26, 2023 at 10:28 AM

LUNGSOD NG MALOLOS — Inilunsad ng Home Mutual Development Fund (HMDF) na mas kilala bilang PagIBIG Fund ang isang promo para sa mga motorcycle riders.

Ang proyekto ay tinaguriang Asenso Rider Raffle Promo para sa mga motorcycle riders na nasa Transport Network Vehicle Service (TNVS) at mga Partner-Drivers ng App-Based Logistics Companies.

Ayon kay PagIBIG-Malolos branch manager Lestina Ramos, ang raffle promo ay istratehiya para mahikayat ang ibang riders na hindi pa kasapi na simulan ang paghuhulog.

Kabilang sa mapapanalunan ang sampung PagIBIG Rider Package na mayroong brand new motorcycles na may rehistro at insurance, helmet, kapote, 50-liter capacity thermal delivery bag at P500 fuel voucher, tig-9 na smartphones at P20,000 cash prizes.

Ang preliminary draw ay gagawin sa Setyembre 30, 2023 at ang grand draw ay sa Nobyembre 30 taong kasalukuyan.

Photo: Mon Lazaro

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 56 Last