| Contact Us

Kabalikat sa Pagtuturo Act isa nang ganap na batas

Mon Lazaro June 4, 2024 at 04:53 PM

MAYNILA — Isa nang ganap na batas ang “Kabalikat sa Pagtuturo Act.”

Ito ay matapos na lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na nagtataas ng taunang teaching allowance mula limang libo hanggang sampung libong piso.

Ang nasabing allowance ay non-taxable at sisimulang ipamahagi sa school year 2025-2026.

Pinasalamatan ni PBBM ang mga mambabatas sa kanilang suporta sa dedikasyon ng pamahalaan na pagandahin ang buhay ng bawat Pilipino, partikular sa pagpasa ng iba pang mga batas gaya ng Eddie Garcia Law at Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS) Law nitong nakaraang buwan ng Mayo taong 2024.

đź“· PCO

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 53 Last