Kondisyon ni dating Pangulong Erap lumala
Mike Manalaysay April 6, 2021 at 06:14 AMNanghihingi ng dasal si JV Ejercito para sa kanyang amang si dating Pangulong Joseph Estrada. Sa kanyang tweet, sinabi ng dating senador na lumala ang pneumonia ng kanyang ama.
Ayon naman sa isa pa niyang anak na si dating senador Jinggoy Estrda, nagdesisyon ang mga doktor na gumamit ng mechanical ventilation para maging maayos ang pagpasok ng oxygen sa kanyang katawan, at para maiwasan ang paghina ng kanyang respiratory mechanism.
Noong March 28 ng gabi, isinugod sa Cardinal Santos Medical Center si Estrada dahil sa panghihina ng katawan. Nagpositibo sa COVID-19 ang dating pangulo.
Array