Money Heist may Korean version na!
Cristina Pettersson-Manalaysay April 1, 2021 at 08:35 AM EntertainmentInanunsyo ng Netflix noong Miyerkules, March 31 ang paparating na Korean version ng sikat na crime drama series na Money Heist. Itinuturing na all star ang cast ng adaptation. Gaganap bilang mga gang member sina:
- Yoo Ji-tae (The Professor)
- Park Hae-soo (Berlin)
- Jeon Jong-seo (Tokyo)
- Lee Won-jong (Moscow)
- Kim Ji-hun (Denver)
- Jang Yoon-ju (Nairobi)
- Park Jung-woo (Rio)
- Kim Ji-hun (Helsinki)
- Lee Kyu-ho (Oslo)
Ang mga gaganap naman bilang mga miyembro ng Task Force ay sina Kim Yunjin at Kim Sung-o. Mga hostage naman ang papel nina Park Myung-hoon at Lee Joobeen.
Si Kim Hong-sun ang direktor ng 12-episode series na kinunan sa Korea.
Wala pang anunsyo ang Netflix kung kailan ipapalabas ang Korean version.
Ang Money Heist, isa sa pinakasikat na show sa Netflix, ay nilikha ni Alex Pina, at lumabas sa Netflix noong 2017. Tungkol ito sa isang grupo na nagsagawa ng detalyado at matalinong pagnanakaw sa dalawang bangko. Ginamit ng grupo bilang kanilang alyas ang pangalan ng mga sikat na siyudad ng iba’t ibang bansa tulad ng Tokyo, Berlin, Moscow at iba pa.
Sumikat ang series sa iba’t ibang bansa sa buong mundo kasama na ang Pilipinas.
Photo credit: Netflix