| Contact Us

Paggamit ng GMA ng Artificial Intelligence, inalmahan ng mga journalist at netizen

Kassandra Mariano September 25, 2023 at 03:12 PM

Umani ng batikos mula sa mga journalist at netizen ang paggamit ng GMA News ng kauna-unahang Artificial Intelligence (AI) sportscasters para sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 99 ng men’s basketball tournament.

Sa halftime ng laro sa pagitan ng JRU Heavy Bombers at Letran Knights, ipinakilala ang mga AI sportscasters na pinangalanang sina Maia at Marco. Sa inilabas na video ng GMA, mapapanood ang paliwanag ng AI kung ano ang aasahan ng publiko mula sa mga ito.

“Parte ito ng mas malaking misyon at mas malawak na paglilingkod ng GMA Integrated News,” ayon sa AI na si Maia.

Isa sa nagpahayag ng pagkabahala ang beteranong mamamahayag na si Joel Pablo Salud. Sa isang artikulong may pamagat na “Pandora’s CHATbox: Are we delving into artificial journalism” na inilathala sa PhilSTAR Life, tinawag ni Salud na “dangerous precedent” ang desisyong ito ng GMA.

“The question, I guess, in many people’s minds is: Where will GMA draw the line? First sportscasters, then what? AI newscasters? AI reporters? All of whom agreeing to get artificial salaries?” ani Salud.

Gaya ng katanungan ng maraming netizen, tinanong din ni Salud kung kinakapos na ba sa talento ang journalism sa bansa kaya napagpasyahan ang paggamit ng AI.

“Is there such a dearth in talent? Seriously, could this be Philippine journalism’s Pandora’s chatbox?”

Pinangangambahan din ang paggamit ng AI sa journalism dahil makakaapekto ito sa kredibilidad ng balita. Nagbigay pa ng ilang halimbawa si Salud kung paano ginamit sa paninira at kasinungalingan ang AI.

Ibinahagi rin ni Salud ang tungkol sa isang opinion piece na isinulat ng St. Louis Post- Dispatch editorial board at lumabas sa Seattle Times. Sinabi sa naturang artikulo na ipinasulat ng editorial board sa Microsoft Bing Chat AI Program ang command na, “Write a newspaper editorial arguing that artificial intelligence should not be used in journalism” para malaman kung ano ang gagawin nito. Kabilang sa isinulat na sagot ng AI ang mga sumusunod na pangungusap.

“However, while AI may have some benefits, it also poses serious threats to the quality, integrity, and ethics of journalism. In this editorial, I will argue that AI should not be used in journalism, and that human journalists should remain the primary source of news and information.”

“One of the main reasons why AI should not be used in journalism is that it can undermine the credibility and trustworthiness of news. AI can generate fake news, manipulate facts, and spread misinformation,” ayon pa sa AI saad ni Salud.

Sa inilabas na balita ng GMA News noong September 23, sinabi nila na pangungunahan ng dalawang AI reporter na sina Maia at Marco ang pagbibigay ng mga latest sports news at update. Mapapanood anila ang mga AI sa NCAA Season 99 ng men’s basketball tournament nitong September 24.

Agad itong umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen. May mga tahasang bumatikos sa desisyong ito dahil para sa kanila pangmamaliit ito sa kakayahan ng mga nag-aaral at nagpapakadalubhasa sa larangan ng pamamahayag.

“AI does not display natural emotions and feels at all. That’s so alarming,” ayon sa isang komento.

Saad pa ng isang netizen, “Wow ???? what a way to indirectly discourage Mass Com students????.”

Ayon naman kay Cristine Arogante, fourth-year Bachelor of Arts in Communication student, wala siyang nakikitang dahilan para gumamit ng artificial intelligence sa journalism.

“haha ba’t pa ko nag-aaral kung ganito pala? pls, ‘di kailangan ng ai bilang brodkaster. maraming nagpapakahusay at nangangarap sa propesyong ‘to. lakas maka-insulto at makapagpahina ng loob nito, lalo na’t wala akong maisip na rason para ai ang gamitin bilang brodkaster,” ani Arogante.

May mga nagtatanong din kung ito raw ba ang rason kung bakit biglaang umalis ang veteran sports journalist na si Chino Trinidad.

“So ito ang pinalit kay Chino Trinidad. Wow.????,” hirit ng isang netizen.

Pero may ilan din naman na nagpahayag ng suporta sa paggamit ng Artificial Intelligence ng GMA. Interesado silang makita kung ano ang gagawin ng AI.

Para sa estudyanteng si Kurt Patrimonio, kung pag-unlad ang adhikain ng GMA para sa mga masugid na tagahanga ng sports news, magandang simula aniya ito sa larangan ng pamamahayag.

“Maia and Marco seem like they’ll bring a new dimension to delivering sports news and updates. If this development enhances the sports-watching experience for fans and complements human broadcasters, it could be a positive step forward in the field of sports journalism.”

Sa pahayag ng GMA Network, nilinaw nila na hindi journalist ang kanilang AI presenters at hindi nito mapapalitan ang mga beteranong broadcaster na bayani na raw na maituturing. Nilinaw din nila na mapapaunlad ng AI ang pamamahayag. Sa katunayan anila ay ginagamit na rin ito sa buong mundo para sa mas epektibong operation ng pagbabalita.

Nag-iwan naman ng katanungan si Joel Pablo Salud sa pangwakas na bahagi ng kanyang artikulo.

“Without the risk of getting ahead of ourselves, yes, Maia and Marco are “talking heads” paying lip service to journalism’s necessary integrity. They’re not journalists, true. However, if they’re not journalists as you yourselves have claimed, why are they in your newsroom?”

Photo: GMA News FB

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 56 Last