Pagkapanalo ni Miss Mexico sa Miss Universe, ipinaliwanag ng eksperto
Cristina Pettersson-Manalaysay May 17, 2021 at 02:27 PM EntertainmentMarami ang hindi sumang-ayon sa naging panalo ni Miss Mexico Andrea Meza sa idinaos na Miss Universe 2020 kaninang umaga, May 17.
Tinanong namin ang ekspertong pageant analyst na si Adam Genato kung bakit sa tingin niya nanalo si Miss Mexico.
Para kay Adam, maaaring hindi inaasahan ang naging pagpili kay Miss Mexico pero taglay naman niya ang tinatawag na “overall package.”
“The girl has to be well rounded. Not only does she have to look the part and have a killer walk but someone who is genuine, authentic and can be an effective spokesperson for the pageant organization,” pahayag ni Adam.
Beterana rin daw sa mga pageant si Andrea Meza katulad ni Catriona Gray na dati ring contestant sa Miss World bago siya itinanghal na Miss Universe 2018. Malaki raw ang naitulong ng experience at exposure na ito kay Andrea.
“Mexico placed first runner up in Miss World back in 2017. So, we already know her caliber as a contestant,” paliwanag ni Adam.
Katulad ng mga netizen, si Miss Peru rin daw ang napipisil ni Adam na manalo ng top prize sa Miss Universe.
“Peru should have won in my opinion. But at the end of the day, it all boiled down to destiny and judges’ decision and we have to respect that,” sabi ni Adam.
Photo by Miss Universe FB page