PALM SUNDAY
Mike Manalaysay March 28, 2021 at 08:41 AM
Ginugunita natin tuwing Linggo ng Palaspas ang matagumpay na pagpasok ni Jesus sa Jerusalem. Sinalubong Siya ng mga taong nagdiriwang sa pagdating ng kanilang tagapagligtas. Nilatagan nila ng mga tangkay at dahon ng palma ang daraanan ng Panginoong Jesus. Ang araw ng palaspas ay simbolo ng tagumpay, kabutihan at pagliligtas.