RAGE Coalition, inilunsad sa panguguna ni Baste Duterte
Angelo Calixtro April 14, 2026 at 03:59 AM
Pormal nang inilunsad ang Reform Alliance for Good Governance and Accountability o RAGE Coalition nitong Linggo, Abril 12, bilang bagong puwersang pampulitika na naglalayong pag-isahin ang iba’t ibang partido.
Pinangunahan ni Davao Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang paglulunsad ng koalisyon, na binubuo ng Partido Demokratiko Pilipino, Partido Reporma, at Reform PH.
Sa nasabing pagtitipon, sabay-sabay na inawit ng mga dumalo ang kantang “Pilipinas Duterte Pa Rin,” na sumasalamin sa patuloy na suporta ng grupo sa pamumuno ng pamilya Duterte.
Ayon sa RAGE Coalition, layunin nilang isulong ang mabuting pamamahala at pananagutan sa gobyerno sa pamamagitan ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor at political parties. Magsisilbi ring plataporma ang koalisyon para sa kanilang partisipasyon sa mga usaping pampulitika.
📷 Engr. Berto FB