Panawagang ‘Hustisya para kay Jemboy’ patuloy na lumalakas
Reggie Vizmanos August 11, 2023 at 02:03 PMPatuloy na lumalakas ang panawagang hustisya para kay Jerhode Jemboy Baltazar, ang 17-anyos na umano’y pinagbabaril hanggang mapatay ng mga pulis sa Navotas kamakailan.
Idineklara na rin ni Secretary Benhur Abalos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na
personal niyang tututukan ang kaso. “I will make sure that justice will be done here,” sabi ng kalihim.
“Personal tayong bumisita sa kanila upang magpaabot ng buong-pusong pakikiramay sa kaniyang pamilya at kaanak. Alam ko pong mahirap tanggapin ang nangyari, napakabigat at napakasakit po nito. Maski ako, galit ako sa nangyaring ito. Hindi na dapat mangyari ito… it should never happen again,” sabi pa ni Abalos.
Ayon naman kay Senator Risa Hontiveros, “Bilang isang ina, buong puso akong nakikiramay sa buong pamilya ni Jehrode Jemboy Baltazar. Kasama nyo akong maninindigan upang makamit ang mabilis at tunay na hustisya sa kanyang pagkamatay. I condemn Jemboy’s heinous killing in the strongest terms.”
“Sana ay magkaisa ang buong bansa sa pagsingil ng katarungan para kay Jemboy, kay Kian delos Santos, Carl Arnaiz, Reynaldo de Guzman at iba pang kabataan na biktima ng extrajudicial violence. We need to end this ‘culture of violence and impunity’ not only in the PNP but also in the entire government that has ruined so many lives – especially those of the poor and underprivileged,” giit pa ng senador.
Sabi rin ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, “As bishop of Kalookan, whose jurisdiction includes Navotas city, I denounce this murder in the strongest terms possible. I call on our parishes, mission stations, and BECs in Navotas city to express their solidarity with the bereaved family and band together to express a strong message to the Navotas Police: “Jemboy’s life matters.”
Photo: Benhur Abalos FB, Sen. Risa Hontiveros FB, Bishop Pablo David FB