Rex Baculfo ng Barangay 179 sa Caloocan, grand finalist sa The Clash 2023
Randylyn Laurio May 24, 2023 at 08:42 PM Entertainment
Pasok sa Grand Finals ng The Clash ang 25 anyos na si Rex Baculfo, tubong Caloocan at kasalukuyang naninirahan sa Barangay 179. Ang The Clash ay isang reality talent competition show ng GMA Network. Host ng programa sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose.
Sa isang video na inilabas sa Facebook page ni Caloocan City Mayor Along Malapitan, binati ni Rex ang mga residente ng Caloocan at humingi rin siya ng suporta.

“Hello Caloocan City, ako po si Rex Baculfo, one of your grand finalist sa The Clash 2023. Mula sa Barangay 179 at isang legit na batang Kankaloo. Humihingi sana ako ng suporta ninyo pong lahat. Sana masuportahan nyo po ako this Sunday, 7:45 pm mag-start ang aming grand finals. Ako po ay taga- Caloocan, humihingi ako ng suporta ng buong Caloocan. Sana ay mapanood nyo po at masuportahan nyo po ako sa online, live streaming, sa TV, post nyo po ako,” ayon sa binata.

Nanawagan din si Mayor Along Malapitan na suportahan ng mga Batang Kankaloo si Rex sa kanyang pagharap sa pinale ng reality show.

Mapapanood ang laban ni Rex sa The Clash, sa GMA Network sa darating na Linggo, May 28 sa ganap na 7:45 ng gabi.
Photo: Rex Baculfo FB