Swab Cab ni VP Leni
Mike Manalaysay March 28, 2021 at 12:51 AM
Inilunsad ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo ang free mobile testing program na tinawag na Swab Cab.Layunin ng proyektong tulungan ang COVID-19 testing capacity ng mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “community-based surveillance testing” para mapabilis ang pagtukoy sa mga kaso ng COVID-19, at hindi na makapanghawa pa ang mga asymptomatic na hindi pa natest.
Sa simula pa lang ng pandemya noong isang taon ay ipinanawagan na ni VP Leni ang pagsasagawa ng malawakang pagtest sa iba’t ibang lugar para maagapan ang pagkalat ng virus.
Sa lungsod ng Malabon unang gagamitin ang free mobile antigen swab center service sa March 30 at April 6.