Wilberto Kwan Tiu itinalaga bilang bagong OIC ng BFP
Angelo Calixtro March 18, 2026 at 09:15 AM
MAYNILA — Itinalaga si Fire Chief Superintendent Wilberto Rico Neil Kwan Tiu bilang bagong Officer-in-Charge (OIC) ng Bureau of Fire Protection (BFP), kapalit ni Chief Superintendent Jesus Fernandez na kasalukuyang nasa ilalim ng preventive suspension.
Ang suspensyon kay Fernandez ay kaugnay ng mga reklamong isinampa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman.
Inaakusahan si Fernandez ng umano’y pagtanggap ng ₱14.7 milyong kickback na may kaugnayan sa procurement ng 132 ambulansya para sa ahensya.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Fernandez hinggil sa nasabing alegasyon.
Patuloy namang binibigyang-diin ng DILG ang kanilang kampanya laban sa katiwalian.
📷 BFP FB