World of Dance Philippines 2023, balik entablado
Randylyn Laurio March 21, 2023 at 10:58 PM EntertainmentMatagumpay na ginanap ang World of Dance Philippines sa University Theatre sa UP Diliman, Quezon City noong March 12. Sinalihan ito ng 47 na grupo na nagmula sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ang tatlong grupong nanalo ang magiging representative ng bansa sa World of Dance Finals sa Anaheim, California.
Itinanghal na kampeon sa Team Division ang Autonomicass, kasama rin nito ang SB 3rd Gen na nagkamit ng 1st Runner Up at 2nd Runner Up naman ang Histacity Family. Nanguna naman ang Electro Groovers, Sayawatha Dance Troupe at Squad UP Gen Kidz sa Junior Division. Tagumpay din ang Company of Ateneo Dancers, LSDC-Street at APC Dance Company para sa College Division. Kasama rin ang DANSSA, Woodrose Dance Crew at Indak sa mag-rerepresenta ng bansa para sa High School Division.
Dinaluhan din ng mga sikat na influencers at artists sa larangan ng sayaw ang patimpalak. Guest ang kasintahan ni Toni Fowler na si Vince Flores o mas kilala sa pangalang Tito Vince. Naroon din si AC Bonifacio na itinanghal na Grand Champion sa patimpalak na Dance Kids noong 2016.
Ang mga judge sa nasabing kompetisyon ay pinamunuan ni Chips Beltran na founder at direktor ng grupong UPeepz na pinarangalang Junior Team Division Champion ng World of Dance TV Show. Kasama rin niya sina MJ Arda, Von Asilo, Jobel Dayrit at Lema Diaz.
Taun-taon ginaganap ang patimpalak na ito sa bansa mula pa noong 2015. Nahinto ang programa nang magkaron ng pandemya. Ganunpaman, masaya at matagumpay ang pagbabalik nito sa entablado matapos ang dalawang taong pahinga.
Photo: World of Dance Philippines FB