Yung Libro sa Napanood Ko
Kate Papina April 4, 2023 at 06:12 PM Entertainment
Ginanap ang premiere night ng “Yung Libro sa Napanood ko” sa SM Megamall at SM City Santa Rosa kamakailan. Isa ito sa inaabangan at kinasasabikang pelikula dahil ang nagsulat at nagdirek nito ay ang aktres na si Bela Padilla.
Katambal ni Bela sa movie ang bagong Korean actor na gumagawa ng pangalan sa Pilipinas na si Yoo Min Gon. Kaya naman marami ang nagsasabing may korean drama vibes ang pelikula. Makakasama rin nila sina Boboy Garovillo, Ms. Lorna Tolentino at Boy Abunda.

Kilala ang Philippine Cinema’s Queen of Hearts na si Bela sa mga pelikulang nakakaiyak katulad ng 100 Tula para kay Stella, Meet me in St. Gallen, On Vodka, Beer and Regrets, at The Day After Valentine’s. Lahat ng mga palabas na nabanggit ay nagtrending at bumagbag sa damdamin ng mga manonood. Kaya naman sa darating na 2023 Summer Metro Manila Film Festival, opisyal na kasama ang “Yung Libro Sa Napanood Ko”.

“Bela Padilla required ba na tuwing may palabas ka mapanakit? sadista yarn?,” komento ng isang netizen.
“Aguyyy! Trailer palang nasusufocate na ako, hirap humingaa,” ayon sa isang netizen.
“Trailer pa lang mabigat na. Maging handa para masaktan ulet dahil sa movie na `to! Bella deserves a best actress award! ????????,” sabi naman ng isa pa.
Pinuri rin ng karamihan ang ginamit na theme song na “If” ng sikat na bandang Rivermaya. Gumawa ng mas mabagal na bersyon nito at kinanta ng bandang mrld.
“Grabe kanta palang alam mo na paiiyakin ka talaga!!!,” ayon sa isang netizen.
Itinuturing na comeback film ito ni Bela matapos niyang magpahinga sa loob ng tatlong taon.
Welcome back to the cinema, Bela Padilla.
Photo: Viva Films