40 Bocaueño, nabigyan ng makinang panahi para sa sariling hanapbuhay
Angelo Calixtro April 9, 2026 at 07:57 PM
BOCAUE, Bulacan — Isinagawa sa bayan ng Bocaue ang isang livelihood initiative na nakatuon sa pananahi at apatnapung residente ang nabigyan ng pagkakataong magsimula ng sariling pagkakakitaan.
Sa tulong ng DOLE Integrated Livelihood Program, pinagkalooban ng mga makinang panahi ang 40 kalahok mula sa iba’t ibang sektor bilang bahagi ng pagsuporta sa kanilang pangkabuhayan.
Kabilang sa mga nakinabang sa programa ang mga indibidwal mula sa marginalized sectors tulad ng solo parents, senior citizens, kababaihan, at iba pang nangangailangan ng dagdag na oportunidad upang mapabuti ang kanilang pamumuhay.
Isinusulong ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Mayor Jonjon Villanueva, ang mga programa na layong palakasin ang kakayahan ng mga residente na maging self-sufficient.
Inaasahang magsisilbing panimula ang mga kagamitang ipinagkaloob upang makapagtayo ng maliit na kabuhayan ang mga benepisyaryo at makatulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.
📷 Mayor Jonjon JJV Villanueva FB