Babae natagpuang patay sa Barangay Talacsan, San Rafael, Bulacan
Jose Leoncio May 16, 2023 at 06:26 PM
Isang hindi pa nakikilalang babae ang nakitang wala nang buhay sa damuhan sa Barangay Talacsan, San Rafael, Bulacan noong May 13.
Ayon sa pulisya ng Bulacan, wala pang lumalapit sa kanila para kunin o kilalanin ang bangkay. Natagpuan ang babae na nakadapa at nakasuot lamang ng underwear. Tinatayang 5’2 ang kanyang height at nasa 30 hanggang 35 taong gulang. Mestisa rin daw ang babae.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya ng lalawigan para makilala ang mga salarin at alamin kung ano ang motibo ng pagpatay.
Contributed photo