Bangus fingerlings ipinamahagi sa mga fishpond operators sa Marilao
Angelo Calixtro April 16, 2026 at 07:10 PM
MARILAO, Bulacan — Tumanggap ng bangus fingerlings ang mga fishpond operators mula sa Marilao na lumahok sa isinagawang 1-day Training on Aquaculture Production Technologies 2026 nitong ika-15 ng Abril sa Barangay Ubihan.
Pinangunahan ang aktibidad ng Bulacan Provincial Agriculture Office katuwang ang Municipal Agriculture Office, bilang bahagi ng patuloy na programa para palakasin ang produksyon at kabuhayan sa sektor ng aquaculture.
Bukod sa pamamahagi ng fingerlings, sumailalim din ang mga kalahok sa pagsasanay hinggil sa makabagong teknolohiya at tamang pamamahala ng fishpond upang mapataas ang ani at kita.
Layunin ng programa na suportahan ang mga lokal na mangingisda at fishpond operators sa pamamagitan ng kaalaman at sapat na resources upang maging mas produktibo at sustainable ang kanilang kabuhayan.
Inaasahan na makatutulong ang naturang inisyatiba sa pagpapalakas ng industriya ng pangingisda sa Bulacan at sa pagpapabuti ng suplay ng isda sa lokal na merkado.
📷 MarileNews FB