Benteng Bigas Truck patuloy ang serbisyo sa San Ildefonso
Angelo Calixtro February 26, 2026 at 07:43 PM
SAN ILDEFONSO, Bulacan — Patuloy ang pag-iikot ng Benteng Bigas Truck sa iba’t ibang lugar ng San Ildefonso upang maihatid ang abot-kayang bigas sa mas maraming pamilya.
Ang Benteng Bigas Truck ay isang programang naglalayong makapaghatid ng abot-kayang bigas sa mga komunidad sa pamamagitan ng mobile na tindahan na direktang nagbebenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Ayon sa pamahalaang bayan ng San Ildefonso, layunin nitong makatulong sa mga pamilyang higit na nangangailangan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Pinapayuhan ang mga residente na magdala ng kinakailangang dokumento bilang patunay ng kanilang kwalipikasyon upang makabili ng nasabing murang bigas.
Samantala, inaasahan namang magpapatuloy ang pag-iikot ng Benteng Bigas Truck sa iba pang barangay sa mga susunod na araw upang mas marami pang mamamayan ang makinabang sa programa.
📷 Mayor Gazo Galvez FB