SSS muling ipinaalala ang paggamit ng PRN para sa pagbabayad ng housing loan
Mon Lazaro, Sophia Mae Arellano June 27, 2024 at 03:37 PM
MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Social Security System (SSS) na ang mga may housing loan o utang sa pabahay ay kailangang magpakita ng Payment Reference Number (PRN) para sa kanilang pagbabayad ng utang simula ngayong buwan ng Hunyo.
Layunin nito na mapadali ang pagbabayad ng mga loans at maipost ito sa kanilang loan accounts sa parehong araw.
Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet na ang paglipat sa Real-Time Processing of Loans (RTPL) ay idinisenyo upang mas maging magingawa ang proseso ng housing loan sa mga borrowers.
Ayon kay Macasaet, pinapayagan nito ang real-time na pagpost ng mga bayad sa housing loan sa mga indibidwal na account, na nagsisiguro ng isang tuloy-tuloy at mahusay na proseso.
Aniya, “The PRN for loans is a system-generated number corresponding to a loan billing statement of the individual loans by the borrower, which contains certain characters to distinguish the housing loan from other SSS loan programs.”
Dagdag pa niya na ang mga may utang sa ilalim ng Direct Individual Housing Loan Program at Direct Housing Loans para sa Overseas Filipino Workers (OFWs), Workers’ Organization Members, at Trade Union Members (TUM) ay dapat may PRN sa tuwing magbabayad sila ng kanilang mga utang.
Samantala, sinabi ni SSS Senior Vice President para sa Lending at Asset Management Group Pedro Baoy na magpapadala ang SSS ng buwanang billing na naglalaman ng PRN sa mga rehistradong email addresses at mobile numbers ng mga may utang.
Pagbibigay-diin ni Baoy, “We strongly advise our housing loan borrowers to take responsibility for keeping their contact details with the SSS up-to-date. This will ensure they receive the PRN they need for every housing loan payment transaction, contributing to a smooth and timely payment process.”
Dagdag pa niya na maaaring makuha ng mga borrower ang PRN sa SSS Housing and Acquired Assets Management Department, SSS Investments Accounting Department, o SSS Member Loans Department sa SSS Main Office, sa Quezon City.
Ipinaliwanag ni Baoy na ang mga may utang ay magkakaroon ng isang PRN para sa bawat outstanding na SSS loan. “For example, if a borrower has an original housing loan and a Housing Repair and Improvement Loan, he/she will get two separate PRNs for each loan.”
Sinabi niya na maaaring makuha ng mga borrower ang PRN tuwing ika-10 araw ng buwan, kaya ang kanilang PRN para sa Hunyo 2024 ay mabubuo sa Hunyo 10.
Nilinaw ni Baoy na kapag nag-expire ang PRN, kailangan ng borrower na kumuha ng bagong PRN na naglalaman ng past due at kasalukuyang halaga, na binabanggit na ang isang expired na PRN ay hindi na tatanggapin para sa pagbabayad.
“Mortgagors can pay their monthly housing loan amortizations over the counter at SSS branch offices with tellering services or through SSS-accredited collecting partners such as Union Bank of the Philippines, Philippine National Bank, Bayad Center, and SM Mart, Inc. SSS will notify them through their registered email address and mobile number to confirm their payment and its posting on their accounts,” sabi ni Baoy.
Noong Disyembre 2023, ang SSS ay may 3,744 na mortgagors na may kabuuang housing loans collectibles na umabot sa P6.83 bilyon.
📷 SSS FB