| Contact Us

13 drug suspects, 5 wanted na kriminal naaresto sa Bulacan

Mon Lazaro May 30, 2023 at 08:28 PM

Labingtatlong drug suspects at limang pinaghahanap ng batas ang nahuli ng pulisya ng iba’t ibang bayan sa Bulacan nitong araw ng Lunes at Martes ng umaga.

Ayon sa pahayag ng Bulacan Police Provincial Office, ang mga operatiba ng mga station drug enforcement units ng San Jose Del Monte, Bustos, Malolos, Angat, at Pandi Police Station ay nakaaresto ng labingtatlong (13) katao sa mga anti-illegal drugs operations.

Nakumpiska sa mga nasabing operasyon ang 27 pakete ng pinaghihinalaang shabu, drug paraphernalia at buy-bust money. Dinala ang mga ebidensya sa Bulacan Provincial Forensic Unit para sa kaukulang eksaminasyon.

Ang mga naarestong drug suspects ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa mga probisyon ng Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

Samantala, apat na katao na pinaghahanap ng batas ang nahuli ng mga police tracker team ng Guiguinto, Bulacan CIDG Provincial Field Unit, Bulacan Provincial Intelligence Unit, at joint tracker teams ng 2nd Provincial Mobile Force Company, San Rafael Police Station at Regional Mobile Force Battalion 3.

Isang miyembro naman ng Delos Santos Criminal Group na kinilalang si Faisal Andrade Hortaleza na kilala rin bilang Sherwin Faisal Andrade Y Hortaleza ang naaresto ng tracker team ng San Jose Del Monte City Police Station. Naninirahan ang suspek sa Area B, Bagong Buhay III sa Lungsod ng San Jose del Monte. Hinuli siya sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong Robbery at Attempted Homicide.

Photo: Bulacan Police Provincial Office

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 59 Last