| Contact Us

137 dumalo sa training ng DOLE sa Bocaue para sa micro business establishments

Mon Lazaro August 18, 2023 at 04:51 PM

BOCAUE, Bulacan — Umabot sa 137 katao ang dumalo sa training na isinagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga micro business establishment sa bayan na ito nitong nakaraang araw ng Huwebes.

Base sa naging pahayag ni Bocaue Mayor Jonjon Villanueva sa kanyang social media post, ang mga dumalo sa nasabing pagsasanay ay binigyan ng mga dagdag kaalaman ng DOLE tungkol sa General labor standards; Compliance with minimum wage; Occupational safety and health standards; Overtime and holiday pay; Leave benefits of employees at Establishment’s productivity.

Naging resource person sa nasabing pagsasanay sina Andre Josef Bustos at Jay Brent Cerdena ng DOLE Bulacan Field Office.

Photo: Mayor Jonjon Villanueva FB

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 59 Last