17 naaresto ng Bulacan PNP
Mon Lazaro June 23, 2023 at 10:46 PMLabing-pitong katao ang naaresto ng Bulacan Police nitong nakaraang araw ng Huwebes at umaga ng Biyernes.
Ayon sa mga report na nakarating kay Col. Relly Arnedo, Bulacan police director, kabilang sa mga naaresto ay nakalista sa drug watchlist ng PNP/PDEA.
Ang mga ito ay kinilala na sina Christina Baguio, Molly Jordan, at Patricia Ann Candelario na nahuli sa buy-bust operation ng Norzagaray Drug Enforcement Unit.
Sina Marjorie Pile ay nahuli naman ng mga operatiba ng San Miguel Police Station; at si Juanito Mustangco ay naaresto naman ng Bocaue Police Station sa pamamagitan ng intelligence-driven police operations.
Sampung wanted persons naman ang naaresto sa magkakahiwalay na police operations. Nahuli ng Meycauayan Police Tracker Team sina Mark Anthony Serrano at Edwin Zuñiga dahil sa RIR in Physical Injuries at Estafa.
Samantala, naaresto naman ng mga operatiba ng Paombong Police Station sina Marlyn Santos at Reynaldo Ignacio dahil sa ilegal na pagsusugal ng baraha.
Photo: Bulacan Police Provincial Office