| Contact Us

23 inaresto ng Bulacan Police

Mon Lazaro June 1, 2023 at 07:41 PM

Mayroong 23 indibidwal ang hinuli ng mga operatiba ng pulisya sa ibat-ibang bahagi ng Bulacan nitong araw ng Miyerkules at Huwebes ng umaga.

Base sa pahayag ng Bulacan Police Provincial Office, labinglima (15) sa mga naaresto ay mga wanted persons, lima ay drug suspects at tatlo ay illegal gamblers.

Nalambat ang 15 wanted persons dahil sa walang humpay na pagsubaybay ng mga tracker teams ng Bulacan 1st and 2nd Provincial Mobile Force Company, San Ildefonso, San Jose Del Monte, Malolos, Sta. Maria, Guiguinto, at Baliuag Police Stations.

Nasasangkot sila sa mga kasong serious physical injury, attempted homicide, theft, estafa, qualified theft at rape at kasalukuyang nasa kustodiya ng mga police units na nakaaresto sa kanila.

Ang limang drug suspects naman ay nadampot sa mga isinagawang drug buy-bust operations ng mga Station Drug Enforcement Units ng Police Provincial Intelligence Unit, Bulakan, Pulilan, at Malolos City Police Stations.

Nakumpiska sa kanila ang may kabuuang bilang na 16 na plastic sachets ng pinaghihinalaang shabu na may kabuuang halaga na P92,400, buy-bust money, isang .45 replika na baril, isang kalibre 9mm beretta na baril at mga drug paraphernalia.

Samantala, tatlong illegal gambler ang caught in the act at inaresto ng mga operatiba ng Calumpit Police Station habang nagsusugal ng tong-its. Nakumpiska sa kanila ang mga baraha at perang ginamit nila sa pagsusugal.

Photo: Bulacan Police Provincial Office

Array
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 59 Last