| Contact Us

231 na aso at pusa nakinabang sa Veterinary Medical Mission sa Bulacan

Mon Lazaro September 23, 2023 at 07:18 PM

LUNGSOD NG MALOLOS — Umabot sa 231 na alagang aso at pusa ang nakinabang sa isinagawang Veterinary Medical Mission kamakailan sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito.

Nagsagawa ng libreng pagkakapon sa mga alagang aso at pusa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office na pinamumunuan ni Voltaire Basinang at sa pakikipagtulungan ng mga veterinary offices ng mga local government units ng Lungsod ng Baliwag at mga bayan ng Paombong at Pulilan katuwang din ang Vets Love Nature, Philippine Veterinary Medical Association, at ang Univet Nutrition and Animal Healthcare Company.

Sinabi ni Basinang na layunin ng Veterinary Medical Mission na mapalawak ang responsible pet ownership sa mga mahihilig mag-alaga ng mga hayop.

Aniya, “Dito natuturuan natin silang maging responsableng tagapag-alaga ng aso at pusa. Dahil doon maiiwasan natin ang rabies, maiiwasan din natin ang pagdami ng mga aso at pusang gala.”

Sinabi pa ni Basinang na nagsasagawa ng libreng kapon sa kanilang tanggapan na matatagpuan sa loob ng bakuran ng Kapitolyo tuwing araw ng Lunes.

Photo: Provincial Public Affairs Office

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 59 Last