350 benepisyaryo ng TUPAD nakatanggap ng biyaya sa Malolos. Senador Joel Villanueva, isinusulong na maging batas ang TUPAD
Mon Lazaro June 1, 2023 at 07:49 PMTatlong daan at limampung (350) benipisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay para sa Displaced/Disadvantaged Workers(TUPAD) sa lungsod ang nakatanggap ng tulong pinansyal nitong araw ng Huwebes, June 1. Pinagkalooban ang bawat isa sa kanila ng halagang P4,600 bilang sweldo sa sampung araw (10) na pagtulong nila sa paglilinis sa kapaligiran sa Lungsod ng Malolos.
Pinasalamatan si Senator Joel Villanueva ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Malolos dahil sa kanyang paglalaan ng pondo para maging matagumpay ang programang TUPAD gayundin sa pagtulong sa mga benepisyaryong manggagawang Malolenyo.
Isinusulong ngayon ni Senator Villanueva na maging isa nang ganap na batas ang TUPAD at gawing tatlong buwan o 90 days ang itatagal ng programa. Nais din ng senador na maitaas ang budget nito para lalong makatulong sa mga kababayang disadvantaged/displaced workers, underemployed at seasonal workers.
Kabilang sa dumalo sa pamamahagi ng tulong pinansyal sina Chris Sarmiento, Political Officer sa tanggapan ni Sen. Joel Villanueva; Melani Nario, Focal Person ng TUPAD sa DOLE Provincial Office Region III; Bryan Paulo S. Santiago, City of Malolos Local Youth Development Officer; Marianne Mendoza, CTECO Division Chief; at ilang kawani ng CTECO.
Photo: Sen. Joel Villanueva FB at Malolos CIO