| Contact Us

4 flood-related deaths naiulat sa Bulacan

Mon Lazaro July 31, 2023 at 07:32 PM

LUNGSOD NG MALOLOS — Apat na flood-related deaths ang naiulat sa Bulacan nitong araw ng Lunes.

Sinabi sa ARKIPELAGO NEWS BULACAN ni Manuel Lukban Jr., hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Bulacan na dalawa sa mga biktima ay nalunod, isa ay nadulas at isa ay dahil sa sakit na cancer.

Kinilala ni Lukban ang mga nalunod na sina John Mark Arcega, 20 taong gulang na nalunod sa Sta. Lucia sa bayan ng Calumpit at si Frank David Domingo Santos, 14 na taong gulang na nalunod sa Barangay Maligaya sa bayan ng San Miguel.

Kinilala naman ni Lukban ang nadulas at namatay ang 69 na taong gulang na si Virgilio Santos na residente ng Florante Street sa Barangay Panginay sa bayan ng Balagtas.

Ang 70 taong gulang na si Policarpio Gatchalian ang naiulat naman na namatay dahil sa colon cancer. Hindi siya diumano nalapatan ng kaukulang medical attention dahil sa baha.

Sinabi pa ni Lukban na ang partial at unofficial agricultural at fishery damage sa Bulacan ay umakyat na sa P79,502,644.68 nitong Lunes ng umaga.

May kabuuang bilang na 2,707 magsasaka ng palay na sumasaka sa 3,656.48 hektarya ng palayan ang nasiraan ng kanilang mga pananim na nagkakahalaga ng P24,625,603.32.

May kabuuang 505 na magsasaka ng gulay ang nakaranas ng kabuuang pagkalugi ng P39,055,593 at apat na nagtatanim ng mais ang nakaranas ng pagkalugi ng P48,366.

May 230 na mamalaisdaan ang nakaranas ng pagkalugi sa halagang P14,975,982.36 nang lumubog sa tubig ang may 417.91 hektarya ng palaisdaan.

Photo: Ramon Castro Meneses

Array
Facebook Notice for EU! You need to login to view and post FB Comments!
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 59 Last