San Miguel, nakikiisa sa pagdiriwang ng National Down Syndrome Consciousness Month
Angelo Calixtro February 18, 2026 at 11:38 PM
SAN MIGUEL, Bulacan — Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng San Miguel sa pagdiriwang ng National Down Syndrome Consciousness Month alinsunod sa Proclamation No. 157.
Sa temang “Raising Aspirations, Inclusion, Support and Empowerment for People with Down Syndrome,” muling pinagtibay ng lokal na pamahalaan ang pangako nito sa pagtataguyod ng isang mapagkalingang komunidad kung saan ang bawat mamamayan ay may pantay na pagkakataon, tinatanggap, at binibigyang-lakas upang maabot ang kani-kanilang mga pangarap.
Ayon sa pamahalaang bayan, bahagi ng adbokasiya ang patuloy na pagsusulong ng mga programang inklusibo at suportang panlipunan para sa mga taong may Down syndrome at kanilang mga pamilya.
Binigyang-diin ni Mayor Bong Alvarez, na nananatiling gabay ng pamahalaang bayan ang paninindigang “kaunlaran na walang maiiwan,” kasabay ng panawagan ng mas malawak na kamalayan, pagtanggap, at pagkakaisa sa komunidad.
📷 Kasama Ka Sa Kaunlaran – Bayan ng San Miguel