Youth Forum sa BulSU, tampok si Sen. JV Ejercito bilang guest speaker
Angelo Calixtro March 16, 2026 at 03:24 PM
Naging panauhing tagapagsalita si Senador JV Ejercito sa isang Youth Forum na idinaos sa Bulacan State University noong Marso 12, 2026.
Pinangunahan ng Office of the Student Regent ng BulSU ang naturang forum na layong magbigay ng plataporma sa mga mag-aaral upang magkaroon ng malayang talakayan hinggil sa mahahalagang isyung kinahaharap ng bansa.
Dinaluhan ito ng mga piling estudyante ng BulSU na nagkaroon ng pagkakataong makipagpalitan ng pananaw kay Ejercito ukol sa iba’t ibang usaping pambansa.
Kabilang sa mga paksang tinalakay sa forum ang mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan gaya ng North-South Commuter Railway, ang panukalang Anti-Political Dynasty Bill, at ang pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno sa mga kasong may kaugnayan sa graft and corruption.
Nagpakita rin ng suporta ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa naturang aktibidad sa pamamagitan ng pagdalo nina City Administrator Joel Eugenio at City Mayor’s Office Chief of Staff Fernando Durupa.
Layunin ng forum na hikayatin ang aktibong pakikilahok ng kabataan sa mga usaping panlipunan at pampamahalaan.
Photo VIA Malolos City Information Office