TODA sa Marilao, tumanggap ng tulong pinansyal mula sa LGU
Angelo Calixtro March 28, 2026 at 09:22 PM
MARILAO, Bulacan — Ipinamahagi ng Pamahalaang Bayan ng Marilao ang tulong pinansyal sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) mula sa Bayan area noong Marso 27 sa Constantino Covered Court.
Personal na pinangunahan ni Mayor Jem Sy ang pamamahagi, kasama sina Vice Mayor Ariel Amador at Konsehala Vanessa Valdez-Seminiano.
Sa naturang aktibidad, kinilala ng mga opisyal ang mahalagang papel ng mga tricycle driver sa pagbibigay ng serbisyo sa komunidad, lalo na sa araw-araw na transportasyon ng mga residente.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ito ng patuloy na pagsuporta sa sektor ng transportasyon sa gitna ng umiiral na hamon sa ekonomiya.
📷 MarileNews FB