Senakulo sa Malolos, umantig sa puso at nagpaalab ng pananampalataya
Angelo Calixtro April 1, 2026 at 05:31 PM
MALOLOS, BULACAN — Sa gitna ng paggunita ng Semana Santa, muling umigting ang diwa ng pananampalataya at tradisyon matapos itanghal ng Samahang Senakulista ng Caingin ang dulang “Landas ng Hapis” sa Liwasang Republika nitong ika-31 ng Marsoz
Dinagsa ng mga manonood ang gabi ng pagtatanghal kung saan binigyang-buhay ang makasaysayang kuwento ng sakripisyo at tagumpay ni Hesukristo.
Higit pa sa isang dula, nagsilbing espasyo ang pagtatanghal upang muling pagnilayan ng mga manonood ang kahalagahan ng pananampalataya sa pang-araw-araw na buhay.
Itatanghal sa Abril 1 ang “Kristo ang Hinirang” ng Samahang Senakulista ng Canalate, habang sa Abril 2 naman ay mapapanood ang “Sa Pintuan ng Kaharian” ng Dularawang Bulacan Foundation, Inc.—kapwa gaganapin sa gabi sa parehong tanghalan.
📷 Malolos City Information Office FB