Tulong para sa senior citizens, umabot sa Barangay San Miguel
Angelo Calixtro April 21, 2026 at 09:48 PM
CALUMPIT, BULACAN — Nakatanggap ng tulong ang mga senior citizen sa Barangay San Miguel bilang bahagi ng programang “Serbisyong Mula sa Puso” ng lokal na pamahalaan.
Pinangunahan ito ni Mayor Lemuel “Lem” Faustino, na naglalayong maiparamdam ang malasakit at pagkalinga sa mga nakatatanda sa komunidad. Layon ng programa na kilalanin ang mahalagang papel ng senior citizens sa lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng munting tulong.
Namahagi ng assistance packages sa mga benepisyaryo sa naturang barangay, habang inaasahang magpapatuloy ang rollout ng programa sa iba pang lugar sa Calumpit.
Sinabi ng lokal na pamahalaan na bahagi ito ng kanilang adbokasiya para sa inklusibong serbisyo publiko, kung saan tinitiyak na hindi napapabayaan ang kapakanan ng mga nakatatanda sa komunidad.
📷 Lem Faustino FB