Apat na barangay sa Malolos idineklarang drug free
Mon Lazaro May 30, 2023 at 06:55 PM
Apat na barangay sa Lungsod ng Malolos ang idineklarang “Drug Free” ng Malolos City Police Station nitong araw ng Lunes, ika-29 ng Mayo. Nabigyan ng pagkilala ang mga Barangay ng Anilao, Dakila, Liang at Pamarawan.
Ang matagumpay na paglilinis sa mga barangay laban sa iligal na droga ay dulot ng masigasig na kampanya ng mga Local Anti-Drug Council at Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).
Iginawad din ang pagkilala sa mga namumunong Barangay Chairman sa apat na drug free barangay sa lungsod. Pinangunahan ang pagpaparangal ng Punong Lungsod Abgdo. Christian Natividad, kasama sina Pangalawang Punong Lungsod Miguel Alberto Bautista, Konsehal Michael Aquino, Konsehal Abgdo. Niño Bautista, Konsehala Ayee Ople, City Administrator Joel Eugenio, Lt.Col. Andrei Anthony Manglo, Lt. Christopher Magallanes at ilang kawani ng Malolos CIty Police Station.