Atty. Jem Sy, nangunguna pa rin sa Marilao mayoralty race ayon sa Pulse Asia survey
Mike Manalaysay April 25, 2025 at 05:33 PM
MARILAO, Bulacan — Mukhang may malinaw nang frontrunner sa mayoralty race ng Marilao: nangunguna si Atty. Jem Sy sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, na isinagawa noong Marso 8–12, 2025.
Batay sa resulta, 65% ng mga respondent ang nagsabing si Atty. Jem Sy ang kanilang iboboto kung ang eleksyon ay gagawin sa panahon ng survey. Pumapangalawa naman si incumbent Mayor Henry Lutao na may 29%, habang 1% ang nakuha ng kandidatong si Mel Cayabyab.
Malaki rin ang lamang ni Atty. Sy sa lahat ng socioeconomic classes base sa survey:
● Sa Class ABC, nakakuha siya ng 81%, laban sa 16% ni Lutao.
● Sa Class D, 63% si Sy kumpara sa 30% ni Lutao.
● Sa Class E, 67% si Sy at 33% si Lutao.

Plataporma ng Pag-asa at Pag-unlad
Ayon sa mga political observers, malaki ang naging epekto ng masigasig na pagtulong ni Atty. Jem Sy sa mga Marileño, kahit wala pa siya sa puwesto. Aktibo ang abogado at entrepreneur sa pagbibigay ayuda sa mga nasunugan, nabaha, estudyante, at mga pamilyang nangangailangan.
Bukod sa kanyang mga nagawa, malaki rin ang tiwala ng mga Marileño sa kanyang inilatag na plano o plataporma ng gobyerno, kabilang ang pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya, pagsuporta sa maliliit na negosyo, paglikha ng trabaho, at pag-akit ng mga mamumuhunan.
Binigyang diin din ni Atty. Sy ang suporta sa edukasyon ng mga kabataan kabilang ang mas pinalakas na educational assistance, scholarship program, libreng school supplies, at modernisasyon ng mga paaralan.
Nilalaman din ng kanyang plataporma ang komprehensibong programang pangkabuhayan para sa mga pamilyang walang permanenteng hanapbuhay.
Nasa plano rin ang pagtatayo at pagsasaayos ng mga health centers, public buildings, barangay halls, drainage systems, at mga kalsada.
📷 Jem Sy FB