Bagong Provincial Director ng Bulacan, opisyal nang itinalaga
Kate Papina September 10, 2022 at 03:00 PM
May bago nang Provincial Director ang lalawigan ng Bulacan.
Itinalaga si P/Col. Relly Arnedo bilang bagong Officer-In-Charge (OIC) ng Bulacan Provincial Police Office, sa ginanap na ceremonial turnover rites sa Bulacan Provincial Headquarters sa Camp General Alejo S. Santos sa lungsod ng Malolos noong September 7. Siya ang pumalit kay P/Col. Charlie Cabradilla na nagsilbi bilang Provincial Director sa loob ng limang buwan.

Bago siya naging Provincial Director, si Arnedo ang hepe ng Regional Investigation Detection and Management Division (RIDMD) sa Police Regional Office 1.
Sa panunumpa ni Arnedo bilang Officer-In-Charge ng Bulacan PNP, nangako siyang gagampanan ang kaniyang bagong tungkulin ng may dedikasyon at pang-unawa.
Ipagpapatuloy rin daw ni Arnedo ang kampanya laban sa iligal na droga, terorismo at kriminalidad para mapangalagaan ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Bulacan.
Ipapatupad din daw niya ang “internal cleansing” o paglilinis sa hanay ng pulisya at hindi raw niya kukunsintihin ang mga tiwaling pulis.
Photo: Bulacan Police Provincial Office Fb page
